0

Bumelta si dating senador Jinggoy Estrada kay Senadora Leila De Lima matapos nitong tawagin si Pangulong Rodrigo Duterte na “lowest and vilest creature”, hindi lang daw sa Pilipinas kundi sa buong mundo. Ayon sa PEP, binatikos ni Estrada ang pahayag ni De Lima at sinabihan ang senadora na tumingin ito sa salamin upang makita nito kung sino ang tunay na “lowest and vilest creature.”

“Senador Leila De Lima, how dare you accuse the President! Before you accuse the President, why don’t you look at the mirror and see for yourself who between you and the president is the lowest and vilest person in our country? [Senadora Leila De Lima, sino ka para akusahan ang presidente na! Bago mo akusahan ang pangulo, bakut hindi ka humarap sa salamin para makita mo mismo kung sino sa inyo ng pangulo ang lowest and vilest person sa bansa]” aniya. May apat na katanungan din na ipinasasagot si Estrada kay De Lima. “Bago mo akusahan ang Presidente, meron akong mga katanungan sa iyo at palagay ko, mga katanungan din ng masang Pilipino na kinakailangan ng mga kasagutan galing sa inyo: (1) Bilang Secretary of Justice, bakit ka madalas dumalaw sa Muntinlupa at bakit lagi mong kausap ang mga convicted drug lords? (2) Ano ang ginagawa mo sa loob ng kubol ni Jaybee Sebastian ng 3 oras? (3) Pitong testigo ang lumantad sa Kamara upang idetalye ang pagkakasangkot mo at iyong driver-lover sa droga. Sinabi din ng ibang testigo na sila ay nagbigay ng pera sa driver-lover mo at ibinigay sa iyo. Ang tanong – Hindi ka ba nakokonsyensya sa ating bayan sapagkat hinimok mo sila sa pagbenta ng mga illegal na droga para lang matustusan ang pagbigay sa iyo ng quota? (4) Magkano lahat ang nalikom mo nung nakaraang kampanya na galing sa illegal source at magkano ang ginastos mo?” Ang mga tanong na iyan ay tinuran ni Estrada sa Facebook. Marami pa raw tanong ang dating senador ngunit irereserba na lamang daw niya ang mga ito sa ibang araw.

Paghihirap ni De Lima Samantala, kamakailan ay nagpahayag na si De Lima na nahihirapan na siya sa sitwasyong kinabibilangan niya. Sa mga nangyayari sa kanya, hindi na raw alam ni Senadora Leila De Lima kung ano ang kahihinatnan ng ipinaglalaban niya kinabukasan; maihahalintulad daw siya sa isang naglalakad na patay. Aniya, nais niya nang humingi ng saklolo sa korte para naman maprotektahan ang kanyang karapatan na labis na raw nilalabag sa ginagawang panggigipit sa kanya ng administrasyong Duterte. Labis daw siyang nalulungkot at nasasaktan sa mga nangyayari ngayon sa kanya gayong ginagawa lamang niya ang kanyang trabaho bilang isang senadora. “Bukas hindi ko na alam kung ano na naman ang susunod na mangyayari. Bukas hindi ko na alam kung andito pa rin ako. I feel I am a dead woman walking,” hinaing ni De Lima. Mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang nagsasangkot kay De Lima sa ilegal na drug trade sa loob ng New Bilibid Prison.

Source :PEP, Politiko, Facebook, DF

Share this story!

Visit and follow our website: News Info

Loading...

Post a Comment

Loading...
 
Top