0

Bilang board member ng (MTRCB), hiningan ng opinyon ang aktres na si Gladys Reyes tungkol sa pagkakasangkot ng ilang showbiz personalities sa illegal drugs.

“Saakin lang, halimbawa nandoon ka sa list, kung ikaw naman ay confident enough, alam mong wala, boluntaryo pa-drug test kaagad-agad.” Saad ng actress.

“Pumunta ka na, di ba? Wala ka dapat ikahiya, wala ka dapat ikatakot. Lalo kung alam mo sa sarili mo na hindi ka gumagamit ng bawal na gamut.”

“Kung gumagamit ka, well, siguro panahon na para ihinto na. Kasi yun naming proyekto ng Presidente natin,.. alam nyo kasi dahil magulang na rin ako.”

“Kaya ako siyempre, gusto rin naman na masugpo yang drugs. Kasi kung hindi mo susugpuin ito, nakakatakot para sa mga anak naming, sa mga anak ko.”

“Kaya pabor naman ako dun sa kampanya against drugs. Dapat lang po siguo ung due process lang po, lagi nating naririnig in due process.”

“Kasi iyon naman talaga ang totoo… sana, sana talaga masugpo na agad-agad.”

Kunwari may kakilala o kaibigan siyang alam nyang gumagamit ng bawal na gamot.

Saad niya,”Na alam ko talaga na nagdadrugs, kakausapin ko siya. Sasabihin ko talaga, huwag na niyang antayin na mas malaking kahihiyan, di ba, na ibulgar pa o i-announce pa sa kung saan-sann ang pangalan niya.”

“Kung alam ko rin naman, kung tunay kang kaibigan, sasabihin mo sakanya kung anong makakabuti para sa kanya. Hindi yung kukunsintihin mo pa o kaya, e, para bang mahihiya ka.”

“Totoo ka ngang kaibigan , e. kaya nga sinasabi mo sakanya,”’uy tama na yan!”


“Kasi siguro naman, ‘O, sige, nung una curiosity lang, sinubukan mo yan, na-enjoy mo, tama na!’ Dumating na siguro tayo dun sa limit na, ‘Tama na, para rin naman sa iyo ito.’”

Source: GMA news

Share this story!

Visit and follow our website: News Info

Post a Comment

Loading...
 
Top