0

Kinumpirma noon Biyernes ni Cabinet Secretary Leoncio Evasco, na may mga taong magbabalak na alisin ang Pangulong Rodrigo Duterte sa Kanyang pwesto bilang Presidente. Ayon sa kalihim, ilang taga- Liberal Party at mga negosyante ang nagtatangkang pabagsakin ang gobyerno ni Duterte.

Isa rin daw si Senator Trillanes sa mga taong nasa likod ng pagpapabagsak sa Pangulo. Sinabi ng kalihim na kinukumbinsi na raw ng mga ito ang ilang sektor sa militar at kapulisan na sumama sa kanilang maitim na layunin.

Matagal ng may lumitaw sa social media ang mga usap-usapan ng pagpapatalsik sa pangulong duterte at lalong naging hayag ito ng banggitin ni Senator Alan Peter cayetano ang Plan B ng Liberal party sa isang niyang interview.

Kinausap ni Trillanes si Duterte noong nakaraang taon para maka tandem sa halalan 2016, ngunit tinanggihan siya ni Duterte. Matatandaang kung anu-anong black Propaganda ang ginawa ni trillanes para madiskaril ang pagka - Presidente ni Pangulong Duterte noong nakaraang Eleksyon. Ilang beses na rin nasangkot si Trillanes sa pagpapabagsak sa gobyerno noon ni Ex- President GMA, kaya hindi malayong may katotohanan ang mga kumpirmasyon ni Evasco.

[source]

Share this story!

Visit and follow our website: News Info

Loading...

Post a Comment

Loading...
 
Top