0

Nagulantang ang lahat matapos kumpirmahin ni Joenel Sanchez, ang dating security aide ni De Lima, ang existence ng dalawang sex videos ng senadora at ng umano’y driver-lover nito na si Ronnie Dayan. Sa kanyang pagsalang, binasa ni Sanchez ang kanyang sinumpaang salaysay sa komite. Aniya, dati siyang close-in at security aide ni De Lima mula July 2010 hanggang May 2015. Kasama rin daw siya sa tuwing tutungo ang noo’y Justice Secretary na si De Lima sa Bilibid, at nasaksihan niya na kinakausap ng kanyang amo ang mga commander ng mga pangkat sa NBP. “Boss” naman ang tawag nila kay Dayan, na nagbibigay daw sa kanila ng utos mula kay De Lima.

Kinalauna’y napansin ni Sanchez ang hindi pangkaraniwang pagkamalapit nina De Lima at Dayan hanggang sa makumpirma na may relasyon ang dalawa dahil natutulog daw si Dayan sa bahay ni De Lima Naikwento pa ni Sanchez nang minsang biyaheng-probinsya sila, nagsusubuan pa raw ng saging na saba sina Dayan at De Lima habang nasa sasakyan. Madalas din daw na pinamimili ni De Lima ng mga gamit si Dayan gaya ng sapatos at mga personal na gamit, hanggang sa ipinagyayabang na raw ni Dayan ang relasyon niya sa dating DOJ secretary.

Kapag kaarawan ni Dayan tuwing Disyembre nagtutungo umano sa bahay ni Dayan si De Lima sa Urbiztondo at doon na ito nagpapaabot hanggang Bagong Taon. Sa kasagsagan ng pagbabasa ng kanyang affidavit, sinabi ni Sanchez na mayroong video scandal sina De Lima at Dayan.

source: www.dyaryo.net

Share this story!

Visit and follow our website: News Info

Loading...

Post a Comment

Loading...
 
Top