0

Nagsampa ng kasong kriminal at administratibo sa Office of the Ombudsman ang isa sa mga “high profile inmate” na si Jaybee Sebastian laban kay Sen. Leila de Lima at da­lawa pang opis­yal ng New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City. Ayon kay Atty. Eduardo Arriba, abogado ni Sebastian, kasong graft, violation of Ethical Standards for Public Official, torture, gross negligence at abuse of authority, ang kanilang isinampa laban kina De Lima, dating Bureau of Corrections (BuCor) Director Rainier Cruz at NBP Supt. Richard Schwarzkopf.

Lahat ay nag-ugat sa pagsisiwalat ng senadora na “asset” umano ng gobyerno si Sebastian kung saan ini­lagay ng mga ito sa peligro ang buhay ng inmate. Sinabi pa ni Arriba na iniuugnay rin umano ng kanyang kliyente si De Lima sa kalakaran ng droga sa loob ng Bilibid. Hinggil pa rin sa pagsasangkot kay De Lima sa Bilibid drugs, nag-execute ng supplemental affidavit si National Bureau of Investigation (NBI) Deputy Director Rafael Ragos, ayon kay Justice Sec. Vitaliano Aguirre.

“Nag-execute siya (Ragos) ng supplemental affidavit na nag-e-enumerate ng instances na hindi lang dala­wang beses s’yang nag-deliver ng pera. Sinabi n’ya sa kanyang supplemental affidavit na ilang beses s’yang nag-deliver ng pera kay Ronnie Dayan,” ayon kay Aguirre na ang tinutukoy ay ang driver-boyfriend diumano ni De Lima.

Share this story!

Visit and follow our website: News Info

Loading...

Post a Comment

Loading...
 
Top