0
Bukod sa pag-resign bilang Senador, pinatatanggalan na rin ng lisensya bilang abogado si Leila de Lima.

Ang disbarment case laban kay De Lima ay isinulong ng VACC o Volunteers Against Crime and Corruption na siyang nagsusulong ng petisyong matanggal si De Lima bilang senador.
Pangunahing basehan ng kaso ang mga testimonya ng ilang convicted inmates na kinunsinti at pinagkakitaan ni De Lima ang illegal drug trade sa New Bilibid Prison (NBP) noong panahon niya bilang Justice Secretary.

Nanawagan din ang VACC sa senadora na magbitiw na ito sa pwesto dahil na rin sa mga kinakaharap nitong kontrobersiya.
Ayon kay VACC Chairman Dante Jimenez, kung mayroon pang natitirang kahihiyan si De Lima ay dapat na itong mag-resign at bigyan naman ng dignidad ang senado.

Kasama naman ni Jimenez na nanawagan ng resignation ni De Lima sina dating whistleblower Sandra Cam, dating National Bureau of Investigation (NBI) Deputy Directors Roel Lasala at Reynaldo Esmeralda.

(DWIZ).

source:www.dyaryo.net

Share this story!

Visit and follow our website: News Info

© DU30 News Info

Disclaimer: Contributed articles does not reflect the view of du30newsinfo. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful.
Loading...

Post a Comment

Loading...
 
Top