0

Walang ipinakitang s3x video ni Senadora Leila de Lima sa ikatlong pagdinig ng House Justice Panel kaugnay sa illegal drug trade sa New Bilibid Prison o NBP.

Gayunman, nagulantang ang lahat matapos kumpirmahin ni Joenel Sanchez, ang dating security aide ni De Lima, ang existence ang dalawang s3x videos ng senadora at ng umano’y driver-lover nito na si Ronnie Dayan.

Sa kanyang pagsalang, binasa ni Sanchez ang kanyang sinumpaang salaysay sa komite.

Aniya, dati siyang close-in at security aide ni De Lima mula July 2010 hanggang May 2015.

Kasama rin daw siya sa tuwing tutungo ang noo’y Justice Secretary na si De Lima sa Bilibid, at nasaksihan niya na kinakausap ng kanyang amo ang mga commander ng mga pangkat sa NBP.

“Boss” naman ang tawag nila kay Dayan, na nagbibigay daw sa kanila ng utos mula kay De Lima.

Kinalauna’y napansin ni Sanchez ang hindi pangkaraniwang pagkamalapit nina De Lima at Dayan hanggang sa makumpirma na may relasyon ang dalawa dahil natutulog daw si Dayan sa bahay ni De Lima.

Naikwento pa ni Sanchez nang minsang biyaheng-probinsya sila, nagsusubuan pa raw ng saging na saba sina Dayan at De Lima habang nasa sasakyan.

Madalas din daw na pinamimili ni De Lima ng mga gamit si Dayan gaya ng sapatos at mga personal na gamit, hanggang sa ipinagyayabang na raw ni Dayan ang relasyon niya sa dating DOJ secretary.

Kapag kaarawan ni Dayan tuwing Disyembre nagtutungo umano sa bahay ni Dayan si De Lima sa Urbiztondo at doon na ito nagpapaabot hanggang Bagong Taon.

Sa kasagsagan ng pagbabasa ng kanyang affidavit, sinabi ni Sanchez na mayroong video scandal sina De Lima at Dayan.

Ayon kay Sanchez, ang video na kanilang napanood ay mula mismo sa cellphone ni Dayan, na nakita niya at ng isa pang bodyguard na si “Bantam” nang minsang nasa Malakanyang sila at naiwan ni Dayan ang cellphone sa sasakyan.

“Nagulat po ako nang ipinakita ni BANTAM sa akin ang video ni SOJ DE LIMA at RONIE DAYAN na may dalawang s3x video, ang isang video ay nagpo-posing si SOJ DE LIMA malapit sa shower room ng hubo’t hubad at ang isa namang video ay nagbi “BJ” si SOJ DE LIMA kay RONIE DAYAN. Nailang po ako sa aking nakita at hindi ko na tinapos panoorin,” bahagi ng affidavit ni Sanchez.

Kinumpirma naman ni Sanchez na kilala nya ang manager ni Herbert Colanggo na si Reynante Diaz.

Ipinakilala daw ito sa kanya ng isang inmate na tatay ng kanyang kaibigan na dinalaw nila noon sa psg.

Ayon kay Sanchez minsan ay nakikiusap si Diaz sa kanya na magdala ng mga letter request ni Colanggo para kay de Lima na nooy DOJ Secretary.

At dahil naging malapit na rin umano sya kay Diaz minsan syang naglalambing ng pera rito kapag birthday nya o may okasyon.

Aabot aniya sa 15 thousand pesos ang kabuuang natanggap lang niya kay Diaz.

Samantala, hindi naman inirekumenda ng DOJ na mabigyan ng immunity from suit si Sanchez.

Ang tanging nabigyan lang ng immunity ay ang mga testigong sina Engelberto Durano at Nonilo Arile.

Hindi rin pinayagan ng mayorya ng mga miyembro ng komite na mabigyan ng immunity sina Marines Col. Ferdinand Marcelino dahil wala daw silang natanggap na kopya ng affidavit nito habang si Gerry Valeroso naman ay hearsay lamang naman daw ang sasabihin mula sa kanyang informal asset.


source

Share this story!

Visit and follow our website: News Info

Loading...

Post a Comment

Loading...
 
Top