0

Ipinahayag ni US Ambassador Philip Goldberg nitong Biyernes na nais ng US na ipagpatuloy ang kooperasyon ng dalawang bansa at nais din niyang mabigyang-linaw ang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na pinutol na niya ang ugnayan ng Pilipinas at US. Ito ang reaksyon ni Goldberg sa pahayag ni Duterte habang nasa China noong Huwebes na pinutol na niya ang "economic and military ties" sa Estados Unidos. "Quite frankly, I don't know what he means by a separation... Our relationship on the economic side is very strong so we need further clarification on that," pahayag ni Goldberg sa panayam ng Unang Hirit. Matibay umano ang "commitment" ng US sa Pilipinas.

"We have a defense treaty. We consider it to be a solid and solemn commitment. We have to clarify exactly what this means in policy terms," giit ng ambassador. Nais umano ng US na ipagpatuloy ang magandang samahan ng dalawang bansa dahil kapwa umano ay may malaking pakinabang sa ugnayan. "We have a large assistance program here," giit ni Goldberg, at binanggit niya ang 200-km road sa Samar na nagawa sa tulong mula sa Millenium Challenge Corporation. Kabilang din umano dito ang humanitarian assistance, scholarship offerings, at disaster relief operations. "We worked very hard in the aftermath of Typhoon Yolanda. Those are the things allies do together." Dagdag niya: "I don't know what separation means because we're inextricably linked..." Military exercises Kaugnay sa joint military exercises, sinabi ni Goldberg na wala pa silang natanggap na opisyal na "notification" sa pagpaalis ng mga sundalong Amerikano sa Mindanao. Magkaiba umano ang joint military exercises at ang pagtalaga ng US forces sa Mindanao. Ang huli, ayon kay Goldberg, ay para sa counterterrorism. Gayundin, ipinahayag ni US State Department spokesman John Kirby noong Huwebes na nais nila ang paliwanag ng Pilipinas hinggil sa inanunsyo ni Duterte na "separation from Washington" na naiulat sa Reuters. "It's not clear to us exactly what that means in all its ramifications," dagdag ni Kirby. Samantala, nakipag-usap din umano si Goldberg kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, at sinabi umano ng kalihim na wala siyang alam sa inanunsyo ni Duterte na pagputol ng relasyon sa US. “So, if he [Lorenzana] doesn’t [know], I certainly need further clarification,” pahayag ni Goldberg.

Binanggit din ni Goldberg na batay sa opinion survey, 76 porsyento ng mga Filipino ay hindi sang-ayon sa paghihiwalay ng US at Pilipinas. Ngunit kung talagang nais ng kasalukuyang administrasyon na putulin ang relasyon sa US, dapat umanong magkaroon ng "constructive talks" hinggil sa isyu. Aniya, ang PHL-US ties ay hindi nakatali sa kung sino man ang Pangulo ng Pilipinas. “Our ties are unbreakable regardless of President," giit ni Goldberg. —may kasamang ulat ni Erwin Colcol/LBG, GMA News

source:www.gmanetwork.com

Share this story!

Visit and follow our website: News Info

Disclaimer: Contributed articles does not reflect the view of du30newsinfo. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful.
Loading...

Post a Comment

Loading...
 
Top