0

Nagulat ang Marikina Police matapos nilang matuklasan ang isang marijuana growing laboaratory sa loob ng isang bahay sa Greenheights Subdivision, Brgy. Mayamot, Antipolo City kagabi. Sa kuwento ni Marikina Chief of Police Senior Supt. Lorenzo Holanday, ito ang kaunaunahang pagkakataon na makakita sila ng marijuana growing laboratory na nakalagay sa isang silid at nilagyan ng improvised na aircon para manatiling malamig ang klima sa loob ng silid.

Natuklasan ang laboratoryo matapos ang isinagawang follow up operation sa dalawang nahuling drug pusher sa Marikina City kahapon. Itinuro umano ng mga suspek kung saan sila kumukuha ng suplay ng marijuana at dito nakumpiska sa loob ng laboratoryo ang limang paso kung saan nakatanim ang marijuana, mga buto nito, mga pinatuyong dahon ng marijuana na nakahanda nang ibenta at weighing scale. Arestado naman ang dalawang magkapatid na lalaki na ang isa ay nakilalang si Crisanto Dumacas, 23-taong gulang habang ang kapatid nito ay menor de edad pa. Naniniwala si Holdanday na malaking grupo ang nasa likod ng marijuana laboratory dahil pinag-aralang mabuti ang itinayong laboratoryo dahil sa mga malalamig na lugar lamang nabubuhay ang marijuana kaya nilagyan ito ng aircon sa loob ng kuwarto.

Ayon naman sa suspek, sa Youtube niya napag-aralan kung paano magtanim ng marijuana kahit na sa loob lang ng isang silid. Inamin din ni Dumacas na ilang buwan pa lamang siya nagtatanim ng marijuana kaya hindi pa sila nakaka-harvest dito. ~ Source: Radyo Inquirer

Share this story!

Visit and follow our website: News Info

© DU30 News Info

Disclaimer: Contributed articles does not reflect the view of du30newsinfo. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful.
Loading...

Post a Comment

Loading...
 
Top